Kasunod ng pagpapatupad ng pagtatanggal sa mga Piso Net sa lungsod ng Dagupan, pinaghahandaan na rin ng pamahalaang lungsod ang mga programang magsisilbing alternatibong mapagkakaabalahan ng mga kabataan.
Ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez, layunin ng programa na mailayo ang mga bata sa paglalaro sa mga Piso Net, kung saan maaari silang makapanood, makakita, at makapaglaro ng mga nilalamang hindi angkop sa kanilang edad.
Kabilang sa programa ng lungsod ang pagbili ng mga computer para sa mga pampublikong aklatan, science toys, mga instrumentong pangmusika, at pagpapatupad ng iba’t ibang literacy at learning programs para sa mga kabataan.
Inaasahang matatapos ang paghahanda nito bago matapos ang buwan ng Hulyo upang agad na mapakinabangan ng mga bata at makatulong sa paghubog ng mga susunod na henerasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










