PNP, TULOY ANG RESCUE OPERATIONS SA MGA BINAHANG LUGAR SA PANGASINAN

Patuloy ang rescue operations ng Pangasinan Police Provincial Office (Pang PPO) para maabot at matulungan ang mga residenteng apektado ng malakas na ulan at pagbaha sa lalawigan.

Naka-deploy ang mga tauhan ng Pangasinan PPO sa mga lugar na nangangailangan ng agarang tulong, partikular sa mga komunidad na kailangang lumikas at mga residenteng na-stranded dahil sa baha.

Kabilang sa kanilang ginagawa ang paglikas sa mga residente, pag-assist sa mga stranded na mamamayan, at iba pang emergency interventions para sa mga apektado ng sakuna.

Patuloy namang mino-monitor ng mga pulis ang mga lugar na posibleng mangailangan ng karagdagang rescue at police assistance habang nagpapatuloy ang masamang panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments