GIRL SCOUTS SA ALAMINOS CITY, PASOK SA PROVINCIAL-LEVEL COMPETITIONS

Nakasungkit ang mga delegado ng Alaminos City ng ilang parangal sa pagdiriwang ng Girl Scout Week at Scouting Month ng First Congressional District of Pangasinan.

Kwalipikado ang mga nagwagi na kumatawan sa nalalapit na provincial-level competitions.

Isinagawa ang aktibidad noong Oktubre 17, 2026, sa Don Leopoldo Sison Convention Center sa Alaminos City, na dinaluhan ng mga delegado mula sa sampung lokal na pamahalaan sa unang distrito ng Pangasinan.

Kabilang sa mga patimpalak ang JLE Quiz, Bilao Painting, dance interpretation, talent showcases, at GPN Bento Nutri Snacks Challenge na isinagawa sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Nagtapos ang programa sa awarding ceremony sa ilalim ng temang “Inspired to Lead, Committed to Serve,” na naglalayong itampok ang pamumuno at paglilingkod ng mga Girl Scout. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments