TOP 4 MOST WANTED SA R1 AT HVI, ARESTADO SA MAGKAHIWALAY NA OPERASYON SA PANGASINAN

Arestado ang Top 4 Regional Most Wanted Person (MWP) at isang High-Value Individual (HVI) sa magkahiwalay na operasyon ng Police Regional Office 1 (PRO 1) sa lalawigan ng Pangasinan.

‎Sa San Carlos City, naaresto sa bisa ng warrant kaugnay ng kasong murder ang Top 4 Regional Most Wanted Person na isang helper at residente ng lungsod.

‎Samantala, sa Lingayen, matagumpay ring naisagawa ang buy-bust operation ng mga awtoridad. Sa operasyon, naaresto ang isang lalaking itinuturing na High-Value Individual at ang kaniyang babaeng kasama, na kapwa residente ng Binmaley, Pangasinan.

‎Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 40 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na P272,000. Nakalagay ang mga ito sa limang heat-sealed transparent plastic sachet.

‎Kasalukuyang nasa kustodiya na ng kani-kanilang himpilan ng pulisya ang mga naarestong indibidwal para sa dokumentasyon at kaukulang legal na proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments