Makatatanggap na ng mas malaking tulong ang mga pamilyang naiwan ng mga namayapang kawani ng gobyerno at kwalipikadong pensioner matapos itaas ng Government Service Insurance System (GSIS) ang funeral assistance nito sa ₱50,000.
Ang dating ₱30,000, ngayon ay dinagdagan ng ₱20,000 ang funeral benefit upang makatulong sa gastusin sa burol at libing ng mga benepisyaryong kwalipikado sa ilalim ng programa.
Ayon sa GSIS, ipatutupad ang bagong halaga para sa lahat ng funeral benefit claims na may kaugnayan sa pagkamatay ng miyembro o pensioner na naganap simula Hulyo 13, 2026.
Layunin ng dagdag na benepisyo na maibsan ang agarang gastusing kinakaharap ng mga pamilya sa panahon ng pagkawala ng kanilang mahal sa buhay at matiyak ang mas maayos na paghahatid ng serbisyo para sa mga yumao.
Pinapaalalahanan naman ng GSIS ang mga kwalipikadong benepisyaryo na ihain ang kanilang funeral benefit claim gamit ang itinakdang proseso at mga kinakailangang dokumento ng ahensya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










