DOH, NANINDIGAN SA KALIGTASAN NG DEWORMING PROGRAM

Hinikayat ng Department of Health o DOH ang mga magulang, paaralan, at komunidad na makiisa sa nationwide deworming program ngayong Hulyo upang maprotektahan ang mga batang Pilipino laban sa bulate sa bituka.


‎Ayon sa DOH, ligtas at epektibo ang deworming gamit ang Albendazole, isang gamot na matagal nang ginagamit sa mga programang pangkalusugan at inirerekomenda ng World Health Organization.

‎Babala ng ahensya, ang hindi paggagamot ng impeksiyon ng bulate ay maaaring magdulot ng malnutrisyon, anemia, pagkaantala sa paglaki, at paghina ng pagkatuto ng mga bata.

‎Nilinaw rin ng DOH na maaaring makaranas ang ilang bata ng pansamantalang epekto tulad ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, lagnat, pagtatae, o pantal sa balat, ngunit ito ay karaniwang nawawala at maaaring tugunan sa pamamagitan ng tamang gabay medikal.


‎Hiniling ng DOH sa publiko na kumuha lamang ng impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang tanggapan at iwasang magpakalat ng maling balita na maaaring magdulot ng takot sa mga magulang at bata.

‎Patuloy naman ang ahensya sa pagsusulong ng ligtas at siyentipikong programa para sa kalusugan ng mga batang Pilipino. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments