
Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sakaling kailanganin ng mabilis na makatugon sa pangangailangan ng mga Local Government Unit (LGU) na maapektuhan ng sama ng panahon.
Inatasan na ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang mga regional field office na ihanda na ang lahat ng specialized disaster equipment, gaya ng Regional Mobile Command Centers (MCCs), mobile kitchens, water trucks, at mga water filtration machine.
Nakahanda na ngayon ang nasa 4.75 million family food packs sa mga warehouse sa buong bansa.
May nakahanda na ring pondo na nagkakahalaga ng Php568.96 million sa parehong central at regional field offices.
Tiniyak ni Asst. Secretary Irene Dumlao na may sapat na stockpiles ng mga food at non-food items
Paalala ng DSWD sa publiko, maging alerto at panatilihing sumunod sa mga abiso ng kanilang LGU.










