Wednesday, July 15, 2026

House Prosecution Panel, hinamon si VP Duterte na mag-isyu ng waiver para mabuksan ang kanyang tax, bank at AMLC records

Hinamon ng House Prosecution Team si Vice President Sara Duterte na mag-isyu ng waiver para mabuksan sa impeachment trial ang kanyang tax records, bank records, at Anti-Money Laundering Council (AMLC) records.

Pahayag ito ni House Trial Spokesperson Rep. Renee Co sa harap ng oral argument ngayon sa impeachment court hinggil sa hiling ng prosekusyon na ipa-subpoena ang nabanggit na mga dokumento.

Ebidensya ang nabanggit na mga dokumento sa ikalawang article of impeachment patungkol sa pagkakaroon umano ni VP Sara ng hindi maipaliwanag na yaman na hindi nito idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN.

Punto ni Co, seryoso ang mga alegasyon batay sa naging ulat ng AMLC na bilyon-bilyon ang halaga ng transaksyon sa banko ni VP Duterte na hindi naman deklarado sa SALN.

Giit ni Co, kung walang itinatago si VP Sara ay hindi dapat harangan ng kanyang defense team ang pagpresenta sa nabanggit na mga dokumento sa impeachment trial.

Facebook Comments