PAMPABATO NG PANGASINAN SA REINAFILIPINAS 2026, IPINAKILALA NA

Ang ating lalawigang Pangasinan ay maituturing na “Home Of Beauty Queens” dahil sa dami na ng ating mga kandidatang nakikilala on a National Stage.

At sa kasalukuyan, nagniningning ang ganda ng ating kandidata na si Shaira May Soria para sa Reina Filipinas 2026.

Opisyal nang ipinakilala ang tubong Mapandan na si Shaira bilang kinatawan ng Pangasinan, kasama ang iba pang mga kandidata sa naganap na Grand Reveal nitong July 13, 2026.

Ang Grand-diosang Urduja ng Pangasinan ang pakilala kay Shaira na siyang nagpapakita ng kaniyang taglay na ganda, talento, at pusong Pangasinanense.

Makikita sa social media account ni Shaira ang bumubuhos na suporta ng ating mga Kabaleyan at umaasang makuha nito ang korona sa Coronation Night na gaganapin sa August 7, 2026 sa Newport Performing Arts Theater. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments