Tuesday, July 14, 2026

LTFRB, mas pinadali ang proseso ng franchise renewal ng TNVS

Mas pinasimple ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang proseso ng franchise renewal ng mga Transport Network Vehicle Service o TNVS.

Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza II, awtomatikong iko-convert sa limang taong Authority to Operate Certificate (ATOC) ang mga umiiral at balidong Certificate of Public Convenience (CPC) ng TNVS.

Nakasaad ito sa Memorandum Circular 2026-049 na naglalayong pabilisin ang proseso ng franchise renewal.

Ibig sabihin, hindi na kailangang magsumite ng aplikasyon para sa renewal o motion for conversion ang mga kwalipikadong operator.

Gayunpaman, nilinaw ng LTFRB na hindi saklaw ng automatic conversion ang mga CPC na nag-expire, nakansela, nabawi, nasuspinde o nawalan ng bisa bago ipatupad ang naturang memorandum circular.

Facebook Comments