Tuesday, May 12, 2026

Sitwasyon sa Villamor Airbase sa Pasay City, nananatiling normal ayon sa PAF sa kabila ng umano’y ICC warrant laban kay Senator Bato dela Rosa

Iginiit ng Philippine Air Force (PAF) na nananatiling normal ang sitwasyon sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Ito ay sa kabila ng mga alingasngas na may nagaabang na eroplano umano sa nasabing lugar para maghatid kay Senator Bato Del Rosa sa The Hague, Netherlands.

Ayon kay PAF Spokesperson, Col. Ma. Christina Basco, wala silang namonitor na kakaibang sa galaw ng mga eroplano sa naturang Base Militar para sa natatanging misyon.

Nabatid na tinangkang isilbi ni dating Sen. Antonio Trillanes IV kasama ng National Bureau of Investigation (NBI) ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa habang ito ay nasa senado.

Facebook Comments