PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN,NAKIPAG-UGNAYAN NA SA MGA KINAUUKULANG AHENSIYA KAUGNAY SA ALEGASYON NG UMANO’YPANG-AABUSO SA MGA MENOR DE EDAD SA URDANETA CITY

Naglabas ng pahayag ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamamagitan ng official social media account ngayong Biyernes, Oktubre 30, 2026.

Kaugnay ito ng mga alegasyon ng umano’y pang-aabuso sa mga menor de edad sa Urdaneta City na ibinahagi ng isang social media personality.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, nakikipag-ugnayan na ito sa mga law enforcement agencies upang matugunan ang nasabing usapin.

Samantala, hinimok din ng Urdaneta City Police Station ang sinumang may personal na kaalaman o katiyakang impormasyon na agad na magtungo sa kanilang tanggapan upang pormal na mag-ulat kaugnay ng umano’y nagaganap na illegal na gawain sa isang bahay sa lungsod.

Ayon sa pulisya, mahalaga ang pag-uulat ng mga saksi, posibleng biktima, at mga taong may direktang kaalaman sa nasabing insidente upang matukoy ang katotohanan at angkop na hakbang alinsunod sa batas.

Panawagan naman ng pamahalaang panlalawigan at ng hanay ng pulisya sa publiko na iwasang magpakalat ng mga impormasyong hindi pa kumpirmado o wala pang beripikasyon. Dapat din umanong igalang ang privacy at karapatan ng mga posibleng sangkot, lalo na ang mga menor de edad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments