Transition team ni Vice President-elect Sara Duterte, sinalubong ni outgoing Vice President Leni Robredo

85

Personal na sinalubong ni outgoing Vice President Leni Robredo ang mga kinatawan ni Vice President-elect Sara Duterte sa Office of the Vice President sa Quezon City.

Ito ay upang talakayin ang transition sa susunod na pamunuan.

Bahagi rin ng kanilang pagbisita ang isang office sa tanggapan ng kasalukuyang bise presidente.


Tiniyak naman ni Robredo na handa siya at ang buong kampo ng OVP sa anumang kakailanganing tulong o paggabay para sa maayos na pagpasok ng susunod na administrasyon.

Mababatid na nagpulong na ang parehong kampo noong Miyerkules, June 1 via online kung saan nagbigay ng overview ng organisasyon at pangunahing proyekto sa ilalim ng pamamahala ni VP Leni.

Facebook Comments