
Iba’t ibang serbisyong pangkalusugan at panlipunan ang inilapit sa mga bata sa Barangay Calongbuyan, Candon City, Ilocos Sur, sa pamamagitan ng Children’s Services Caravan na ginanap sa Calongbuyan Elementary School.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga mag-aaral ng Bliss Child Development Center, Calongbuyan Child Development Center, at Calongbuyan Elementary School, gayundin ang mga residente ng barangay na nakatanggap ng libreng medical at dental checkup, eye care, feeding program, gupit, at pamamahagi ng tsinelas.
Nagbigay rin ng assistance para sa late birth registration upang matulungan ang mga nangangailangan ng rehistrasyon ng kapanganakan.
Inisyatiba ang caravan ng lokal na pamahalaan ng Candon sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), katuwang ang Candon City Police Station, Ilocos Sur Health Development, City Health Office, City Civil Registry Office, mga partner na organisasyon, paaralan, at mga opisyal ng barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










