95 MIYEMBRO, NAGTIPON SA UNANG LOCAL PEOPLE’S COUNCIL ASSEMBLY NG ALAMINOS CITY

Nagtipon ang 95 miyembro ng Local People’s Council (LPC) para sa kauna-unahang general assembly ng konseho sa Alaminos City.

Binuo ng bagong konseho ang mga patakaran sa kanilang mga gawain at ang CSO Action Plan, na magsisilbing gabay sa mga susunod na programa.

Tinalakay rin ang mga alituntunin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) tungkol sa pakikilahok ng mga community organization sa pagpaplano at pagbuo ng budget ng lungsod.

Bukod dito, iprinisinta rin ang mga paraan para mapalakas ang ugnayan ng mga organisasyon at lokal na pamahalaan.

Nagtapos ang pagtitipon sa Pledge of Commitment sa pagitam ng community organization at lokal na pamahalaan para mapalakas ang pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala ng Alaminos City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments