Monday, September 21, 2026

Senado, may pasok ngayong araw sa kabila ng inilabas na direktiba ng Palasyo para sa alternative work arrangement sa gobyerno

May pasok na ngayong araw ang Senado dahil sa dami ng mga committee hearings.

Ito ang kinumpirma ni Senate President Sherwin Gatchalian sa kabila ng direktiba ng Malakanyang na mag-alternative work arrangement ang mga tanggapan ng gobyerno dahil sa inaasahang pa ring sama ng panahon.

Kabilang sa mga pagdinig ngayong araw ang pagpapatuloy sa pagsisiyasat sa epekto ng online games, mga karahasan na kinasangkutan ng mga estudyante kabilang Tacloban school shooting incident at ang pinakahuling nangyaring school shooting sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School.

Mayroon ding magkakahiwalay na pagdinig ukol sa pagpapatanggal ng system loss sa bayarin sa kuryente, panukalang magna carta for micro, small and medium enteprises, partnership ng DepEd, LGUs at pribadong sektor sa pagpapatayo at pagpapaayos ng mga silid aralan.

Kahapon, bagamat kanselado ang impeachment trial, nagsagawa pa rin ng plenary session ang mataas na kapulungan sa hapon habang naka-work from home naman ang mga empleyadong walang direktang kaugnayan sa sesyon.

Facebook Comments