Umiiral na ‘Total Lockdown’ sa isang Barangay sa bayan ng Echague, Tatanggalin na

262

Cauayan City, Isabela- Inaasahang tatanggalin na ang umiiral na pagsasailalim sa total lockdown sa Barangay Tuguegarao, Echague, Isabela.

Sa kanyang facebook live, inihayag ni Mayor Francis ‘Kiko’ Dy na posibleng tanggalin ang umiiral na lockdown ngayong gabi o bukas.

Ayon pa sa alkalde, nagnegatibo man ang resulta ng swab test ng karamihan ay hindi ibig sabihin na kailangang maging kampante na ang bawat isa dahil patuloy pa rin na umiiral ang nakamamatay na sakit.

Nagpositibo naman ang isa sa mga na-contact traced ng health authorities matapos makasalamuha ang pasyente na pumanaw dahil sa nasabing virus.

Sa ngayon ay ipapasakamay na ang pasyente sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) sa Santiago City para sa atensyong medikal.

Facebook Comments