Thursday, November 5, 2026

Pagtatapon ng mga bangkay ng aso at pusa, pinapa-imbestigahan sa Kamara

Pinapa-imbestigahan sa kamara ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima ang pagtatapon ng mga bangkay ng mga aso at pusa.

Nakasaad ito sa House Resolution No. 1576 na inihain ni De Lima kasunod ng pagtatapon ng 25 patay na aso at pusa sa San Jose del Monte City, Bulacan iba pang kaparehong insidente sa iba pang mga lugar.

Ayon kay De Lima, layunin ng ikakasang pagdinig ng Kamara na mapanagot ang nasa likod ng ganitong gawain at makapagbalangkas ng panukalang batas at patakaran para sa mga pet aftercare facilities tulad ng mga pet crematoriums.

Sisilipin din sa pagsisiyasat ng kamara kung naipapatupad ba ng mahipigt ang kasalukuyang mga batas para sa kapakanan ng mga hayop.

Binigyang diin ni De Lima na dapat ding imbestigahan ng mga otoridad ang nabanggit na mga nakakaalarmang panloloko sa may ari ng mga biktimang aso at pusa dahil lumalatay ito sa ating moralidad at sa kung anong klaseng lipunan meron tayo.

Facebook Comments