GCG, nakatakdang magpalabas ng evaluation sa naging aberya sa CAAP facilities

Nakatakdang magpalabas ng evaluation ang Governance Commission for GOCCs (GCG) kaugnay ng naging aberya sa air traffic system noong Bagong Taon.

Ayon sa GCG, kabilang sa maaari nilang isampa ang kasong criminal, civil, at administrative cases laban sa ilang opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sa ngayon anila, hinihintay lamang nila na matapos ang imbestigasyon ng Senado sa naturang insidente.


Una nang binigyan ng tatlong araw ng GCG ang CAAP para magsumite ng report sa nasabing tanggapan.

Sinundan din ito ng inspeksyon ng GCG sa mga pasilidad ng CAAP.

Facebook Comments