
Pinuri ng House Prosecution Panel ang paninindigan ng Senate Impeachment Court sa independence nito at pagtupad sa constitutional duty.
Sinabi ito ni House Prosecution Panel at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima makaraang pagbigyan ng Impeachment Court ang kanilang hiling na ipa-subpoena ang bank at tax records ni Vice President Sara Duterte at mister na si Atty. Manases Carpio.
Diin ni De Lima, ang pasya ng Impeachment Court ay malaking tagumpay para sa katotohanan at taumbayan na may karapatang makita at masuri rin ang mga ebidensya sa prosesong ng pananagutan.
Nagpahayag din si De Lima ng pagsaludo kay House Prosecutor at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na nagpakita ng mahusay at malinaw na pagpapaliwanag sa paninindigan ng House Prosecution na hindi dapat hadlangan ang paglalabas ng napakahalagang ebidensya ukol sa totoong yaman ni VP Sara.










