Monday, July 27, 2026

Kongkretong reporma para sa mga kasalukuyang problema ng mga Pilipino, nais marinig ng senador sa SONA ng pangulo

Hinimok ni Senior Deputy Majority Leader JV Ejercito si Pangulong Bongbong Marcos Jr., na gamitin ang kanyang State of the Nation Address (SONA) para mag-anunsyo ng mga kongkretong reporma na direktang tutugon sa mga kasalukuyang problema ng mga Pilipino.

Binigyang-diin ni Ejercito na wala nang panahon sa paligoy-ligoy ang mga tao at sawa na rin ang taumbayan sa mga pangakong madalas na napapako kaya sa huling dalawang taon ng kanyang pamumuno ay kongkretong aksyon ang mas gustong marinig ng mga Pilipino.

Pinakauna sa nais ni Ejercito ay ang pagbuwag sa korapsyon sa maanomalyang flood control projects na naging ugat ng pagkakaroon ng trust issues ng bayan sa mga infrastructure projects.

Umaasa rin ang senador na iaanunsyo ng Pangulo ang pinalawak na PhilHealth benefits na kung saan ang state health insurer ang sasagot sa 60 hanggang 70 percent na hospital bills ng mga kababayan.

Dagdag pa sa inaasahan ni Ejercito na marinig sa SONA ni PBBM ang automatic suspension ng excise taxes sa mga produktong petrolyo sa tuwing may panahon ng extraordinary na pagtaas sa global oil prices, kongkretong hakbang para maibsan ang mataas na cost of living, komprehensibong programa para mapababa ang presyo ng kuryente, transportasyon, mga gastusin sa pagpapagamot at pagkain at iba pang gastusin na nakakaapekto sa bawat pamilyang Pilipino at sa kakayahan ng ekonomiya na lumago.

Facebook Comments