
Kumpiyansa si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na nasagot niya ang lahat ng kinakailangan nang tumestigo sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Sa ambush interview nang magtungo sa Department of Justice (DOJ), sinagot ni Matibag ang pagbatikos ng ilan sa social media tungkol sa umano’y isyu ng hearsay.
Ayon sa NBI Director, humarap siya sa Impeachment Court bilang pinuno ng ahensiya kung saan siya ang custodian ng mga records nito.
Hindi rin daw siya isang witness na bias kundi nagsabi lamang ng mga totoo na alinasunod sa mga ebidensiya at rule of law.
Sa ngayon ay tapos na rin daw ang kaniyang tungkulin bilang witness maliban na lamang kung ipatawag din ng depensa bilang nakalista rin nilang testigo.
Facebook Comments










