APAT NA PANGUNAHING KALSADA SA DAGUPAN CITY, HINDI MADAANAN NG MALILIIT NA SASAKYAN DAHIL SA BAHA

Apat na pangunahing kalsada sa lungsod ang hindi madaanan ng mga light vehicle dahil sa pagbaha, ayon sa road update ng Dagupan City police noong Agosto 11.

Kabilang sa mga apektadong bahagi ang Mayombo–Caranglaan Road, Zamora Extension, Burgos Street–Burgos Extension, at Tapuac, partikular sa tapat ng overpass at Dagupan City National High School.

Hindi muna madaanan ng mga motorsiklo, tricycle, sedan, multicab at e-bike ang mga nasabing kalsada dahil sa baha.

Ayon sa pulisya, inilabas ang abiso alas-10 ng umaga at pinayuhan ang mga motorista na gumamit muna ng alternatibong ruta at mag-ingat sa pagbiyahe.

Wala pang nakasaad sa abiso kung kailan magiging passable muli ang mga apektadong kalsada. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments