Inilabas na ng Urdaneta City Health Office (CHO) ang schedule ng Ligtas Tigdas: Measles-Rubella Supplementation Immunization Activity (MRSIA) na isinagawa ngayong Agosto 12, 2026 sa mga piling lugar sa lungsod.
Kabilang sa mga lugar na nasa inilabas na schedule ang ilang purok sa Anonas, Bactad East, Bolaoen, Cabaruan, Camanang, Camantiles, Catablan, Labit Proper, Mabanogbog, Nancamaliran East, Nancamaliran West, Palina West, Pinmaludpod, San Jose at San Vicente.
Isinasagawa ang MRSIA sa pangunguna ng Department of Health (DOH) at Urdaneta City Health Office bilang karagdagang hakbang sa pagbabakuna laban sa tigdas at rubella.
Kasabay ng immunization activity ang Vitamin A Supplementation para sa mga bata.
Hinikayat ng health authorities ang mga magulang at guardian na tingnan ang schedule at lugar na itinakda para sa kanilang barangay o purok upang malaman kung saan maaaring dalhin ang mga batang sakop ng programa.
Ang Ligtas Tigdas ay bahagi ng mga hakbang pangkalusugan para mapalawak ang proteksiyon ng mga bata laban sa measles at rubella sa pamamagitan ng supplementary immunization. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










