Friday, August 14, 2026

Mahigit 200 truck ng basura, nakolekta sa Baclaran Channel

Umabot na sa 203 truck ng basura ang nakolekta sa Baclaran Channel matapos ang apat na araw ng paglilinis.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), katumbas ito ng 748.87 tonelada ng basura.

Patuloy pa rin naman ang mano-manong paglilinis ng MMDA at Parañaque City LGU sa Redemptorist Water Channel.

Sa ngayon, kapansin-pansin nang malinis at nakikita na ang tubig sa area mula sa dating dagat ng basura.

Facebook Comments