Tulad na lamang sa barangay na ito. Ang barangay Pampano ay kabilang sa mga barangay na tinututukan sa tuwing umaapaw ang tubig sa Agno river.
Kitang-kita ang malakas ng agos ng tubig sa mismong dinadaanan ng mga residente.
Ang iba pa nga sa mga ito, nagawa pang maligo sa daanan kung saan rumaragasa ang agos ng tubig.
Ayon sa ilan sa kanila, sanay na umano sila sa malakas na agos ng tubig at pagdaloy nito sa kanilang kabahayan sa tuwing may darating na bagyo o tuloy-tuloy na pag-uulan.
Nasa 10 evacuation centers ang bukas at tinututuyan ng mga lumikas na residente kabilang dito ang Torre Elementary School kung saan nanunuluyan ang nasa 26 pamilya mula sa dalawang barangay sa bayan.
Agad namang tinugunan ng Municipal Social Welfare and Development ang kanilang mga pangangailangan kabilang na ang pagkain.
Samantala, sa pagbisita ng IFM News team kahapon, kapansin-pansin ang pagbaba na ng lebel ng tubig sa Camiling River sa Tarlac kung saan dumadaloy naman ng Agno River.
Sa oras na umapaw ang tubig mula sa agno agno river, dadaloy naman ito sa mga kalapit bayan sa Pangasinan lalo na sa mga residenteng malapit sa ilog.
Sa ngayon ay tuloy ang monitoring ng awtoridad sa daloy at lebel ng tubig sa mga naturang kailugan sa boundary ng Mangatarem at Tarlac. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









