
Nanawagan ang Pambansang Pulisya sa Department of Education o DepEd na payagan silang makapag-ronda o ikot sa loob ng mga paaralan.
Kasunod na rin ito ng mga serye ng school shooting incident na kinasasangkutan ng mga estudyante.
Ayon kay Southern Police District (SPD), District Director PBGen. Glenn Cinco, ang kanilang panawagan ay para mag-alangan ang mga estudyanteng gumawa ng karahasan.
Hindi naman aniya araw-araw ang isasagawa nilang pagroronda sa mga paaralan para hindi magdulot ng alarma ang pagpasok ng mga pulis sa eskuwelahan.
Una nang sinabi ng SPD na magdadagdag sila ng mga pulis sa paligid ng mga paaralan para masiguro ang seguridad ng mga estudyante, guro, kawani ng paaralan maging ng mga magulang.
Binabantayan na rin ngayon ang PNP sa mga nakakaalarmang post ng mga estudyante sa social media para maagapan na kaagad at hindi na lumala ang sitwasyon kasunod ng shooting incident sa Ateneo de Zamboanga.










