Monday, August 17, 2026

Mga naudlot na matitinong flood control projects, dapat na ituloy na ang pagpapagawa ayon kay Sen. Ejercito

Kung si Finance Committee Chairman JV Ejercito ang tatanungin, dapat na payagan na ang pagpapatuloy sa pagpapagawa ng flood control projects sa 2027.

Ayon kay Ejercito, na-zero ang pondo ng flood control projects noong nakaraang taon pa matapos na mabulgar ang napakalaking scam sa proyekto.

Gayunman, para sa senador dapat na payagan ang pagpapatuloy sa paggawa ng mga flood control projects na nasimulan na.

Paliwanag ni Ejercito, useless o hindi mapakinabangan ang mga hindi natapos na flood control projects.

Punto pa ng mambabatas, may mga matitino namang flood control projects pero nabinbin at hindi na rin natapos dahil nadamay sa mga ghost projects.

Facebook Comments