
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang acting secretary ng Department of Labor and Employment (DOLE) si dating Senador Francis Tolentino.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kumpiyansa ang pangulo na kayang pamunuan ni Tolentino ang DOLE dahil sa malawak nitong karanasan sa pamahalaan, mula lokal hanggang pambansang posisyon.
Nakatakda ring manumpa si Tolentino bilang acting labor secretary kay Pangulong Marcos Jr., mamayang hapon sa Malacañang.
Samantala, sinabi ng Palasyo na may kinalaman sa kondisyon ng kalusugan ni dating DOLE Secretary Bienvenido Laguesma ang pagpapalit sa liderato ng ahensiya.
Hindi naman kinumpirma ng Malacañang kung tuluyan nang nagbitiw o inalis sa puwesto si Laguesma.
Wala ring pahayag kung bibigyan pa siya ng ibang posisyon sa gobyerno dahil kailangan munang isaalang-alang ang kaniyang kalusugan.










