Tuesday, May 26, 2026

Ilang mga subpoena, ipinadala ng DOJ sa Senado hinggil sa nangyaring kaguluhan bunsod ng pagtangkang pag-aresto kay Sen. Bato

Naglabas ng mga update si Justice Secretary Fredderick Vida hinggil sa nangyaring kaguluhan sa Senado matapos sinubukan isilbi ang warrant of arrest kay Sen. Ronald ” Bato” dela Rosa.

Ayon kay Sec. Vida, nagpadala na sila ng mga subpoena sa Office of the Senate Secretary para hilingin na ipasa ang mga dokumrlento may kaugnayan sa imbestigasyon sa nasabing insidente

Hiniling rin ng DOJ sa Senado ang summary ng imbentaryo ng mga firearms maging ang mga security logs ng mga pumasok at lumabas ng senado.

Naglabas rin sila ng subpoena sa Commission on Audit (COA) para makuha ang mga dokumento upang matukoy kung ilan at kung sino-sino ang may hawak na armas na nasa Senado nung mangyari ang kaguluhan.

Maging ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) Firearms and Explosive Office (FEO) ay pinadalhan rin ng subpoena ng DOJ para makuha ang mga papeles at matukoy ang imbentaryo ng kabuuang bilang ng armas na naka-rehistro sa Senado.

Sa kabila nito, muling ipinaala ni Sec. Vida ang kaukulang parusa hinggil sa paglabag sa PD 1829 o Obstruction of Justice kung saan pakinggan natin ang pahayag ng kalihim hinggil dito.

Bukod dito, nagpadala na rin sila ng sulat kay Atty. Jimmy Bondoc para hilingin sa abogado ang mga impormasyon hinggil kay Sen. Bato matapos ihayag na alam nito ang kinaroroonan ng senador.

Facebook Comments