
“As expected.”
Ito ang maikling reaksyon ni Vice President Sara Duterte matapos irekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) na sampahan siya ng mga kasong kriminal.
Partikular ang mga kasong inciting to sedition at grave.
Wala nang ibang detalye na ibinigay ang kampo ng pangalawang pangulo hinggil sa usapin.
Una na ring nilinaw ni VP Sara na wala siyang nakikitang paglabag sa kanyang binitawang pahayag.
Aniya, malinaw sa binitawan niyang salita na kapag napatay lamang siya ay saka babalikan ang first couple at si Speaker Martin Romualdez ng kanyang kinausap na tao.
Facebook Comments