CBCP, naglabas ng bagong Filipino version ng panalangin na “Hail Mary”

Inilabas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang alternatibong bersiyon ng Tagalog na panalangin na Hail Mary.

Ayon sa CBCP, inaprubahan ang “Ave Maria” sa nagdaang plenary assembly bilang alternatibo sa “Aba Ginoong Maria.” na salin sa wikang Tagalog.

Sabi ni CBCP Secretary General Msgr. Bernardo Pantin, bagama’t hindi pinapalitan ng bagong salin ang lumang bersiyon ay nagbibigay ito ng mas akmang rendisyon mula sa orihinal na Latin na pinagmulan ng panalangin.


Inayon din daw ito sa ilang panuntunan gaya ng biblical accuracy, pagiging simple, at pagsunod sa nagbabagong panahon at sa konteksto ng Pilipinas.

Ngayong taon, ginugunita ng buong Simbahang Katolika ang Jubilee Year at nataon din sa ika-50 anibersaryo ng CBCP pastoral letter para sa Mahal na Birheng Maria na inilabas noong ikalawa ng Pebrero noong 1975.

Facebook Comments