
Bumuti na ang kondisyon ni dating Department Of Public Works And Highways
Government department (DPWH) Secretary Manuel Bonoan matapos tong makainom ng gamot at makapagpahinga ayon ito sa Philippine National Police (PNP) Health Service.
Nabatid na nagpalipas ng magdamag sa PNP General Hospital sa Kampo Krame sa Quezon City si Bonoan matapos na tumaas ang blood pressure nito na umabot sa 192/100.
Kasunod ito ng kanyang pagsuko kahapon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kaugnay ng kasong plunder na may koneksyon sa flood control scandal kung saan kasama niya sa nasabing kaso sina Senator Jinggoy Estrada at ng tatlong iba pa.
Ayon kay PNP Health Service Director PBGen. Portia Manalad, depende kung mabibigyan si Bonoan ng clearance ng attending physician at kung may request na ang CIDG pwede na itong madischarge ngayong araw para humarap sa Sandiganbayan.
Samantala, nananatili naman mahigpit ang seguridad sa PNP General Hospital kung nasaan si Bonoan.










