
Titiyakin ng Philippine National Police (PNP) na ligtas ang pagbubukas ng klase sa Hunyo, ngayong taon.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang pangunahing focus ng PNP ay kabuuang seguridad ng mga magbabalik eskwela na mga estudyante.
Kung saan prayoridad nito ang pagsasaayos ng trapiko, pinaigting na pagpapatrolya sa mga kalsada at pagtanggal sa mga banta o gang activity malapit sa eskwelahan.
Maglalagay din ng police assistance desk malapit sa mga paaralan para makatugon sa mga emergencies.
Nauna nang inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang buong pagpapatupad ng Oplan Balik Eskwela bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 8 na may layong matugunan ang mga usapin kaugnay ng enrollment, transportasyon, kaligtasan ng publiko, at kahandaan ng mga paaralan sa pamamagitan ng koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan.
Kaugnay nito, nanawagan naman si Nartatez sa mga magulang, barangay officials at volunteers na makipagugnayan sa AWtoridad kaugnay ng mga kahinahinalang indibidwal o aktibidad.










