
Patuloy na pag-iral ng sub judice rule sa lahat ng articles of impeachment kabilang ang tatlong iniurong ng prosekusyon, iniutos ng Senate Impeachment Court.
Patuloy na paiiralin ng Senate Impeachment Court ang sub judice rule o ang rule 18 ng Senate Impeachment Court sa lahat ng articles of impeachment na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.
Kasama na rito ang tatlong articles of impeachment na unang binawi ng House prosecution panel.
Sa dalawang pahinang order na inisyu ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero na may petsang November 5, 2026, iniutos niya ang pantay na pagpapairal ng sub judice rule sa lahat ng articles of impeachment, ito man ay iniatras o patuloy na nililitis.
Pinagbabawalan dito ang mga saklaw ng Impeachment Court na magbigay, mag-issue ng anumang public statement o commentary kaugnay ng mga merito ng nililitis o anumang may kaugnayan sa articles of impeachment na nakasampa sa Impeachment Court.
May babala rin na papatawan ng kaukulang parusa ang lalabag.
Matapos bawiin ng prosekusyon ang tatlong articles of impeachment, isa na lamang ang lilitisin o ang Article 2 na paratang kay VP Sara Duterte dahil sa paglabag sa Konstitusyon dahil sa pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na yaman at hindi pagdedeklara ng totoong yaman nito sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).










