Thursday, September 24, 2026

WANTED PERSON, ARESTADO SA CAOAYAN HABANG KUMUKUHA NG POLICE CLEARANCE

Arestado ang isang 46 anyos na lalaki matapos matuklasan ng pulisya na may nakabinbing Warrant of Arrest laban sa kanya habang nag-aapply ng National Police Clearance sa Caoayan Municipal Police Station, Ilocos Sur.

Ayon sa Caoayan MPS, nagtungo ang lalaki sa himpilan noong Setyembre 22 para sa pagproseso ng kanyang police clearance.

Sa isinagawang verification sa kanyang aplikasyon, nadiskubre ng mga pulis na mayroon siyang standing warrant of arrest.

Agad namang ipinatupad ng mga tauhan ng Caoayan MPS, ang warrant laban sa lalaki dahil sa paglabag sa City/Municipal Ordinance, partikular sa Paragraph 5(A), kaugnay ng Section 8-A ng City Ordinance No. 730, Series of 2019.

Ipinaalam sa suspek ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto at ang nilalaman ng warrant bago siya isinailalim sa police custody para sa kaukulang dokumentasyon at legal na proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments