Tuloy-tuloy ang mga proyekto para sa redevelopment ng Capitol Compound ng Pangasinan, kabilang ang bagong 11-storey government building at pagsasaayos ng mga kalsada, drainage system, at iba pang pasilidad sa paligid ng Provincial Capitol.
Malapit nang makumpleto ang isa sa mga pangunahing proyekto ng Provincial Government of Pangasinan matapos umabot sa 82 porsyento ang completion ng bagong 11-storey government building, batay sa update noong Setyembre 11.
Inilahad ang development sa 50th Regular Session ng 12th Sangguniang Panlalawigan noong Setyembre 14.
Sa kasalukuyan, nasa ikapitong palapag na ang pangunahing istruktura ng gusali, habang itinatayo naman ang tinatayang tatlong-palapag na podium sa gitnang bahagi nito.
May kabuuang floor area na 35,500 square meters ang naturang gusali.
Tinatayang ₱1.9 bilyon ang halaga ng Phase 1 ng government building, na target makumpleto bago matapos ang taong 2026.
Sa likurang bahagi naman ng gusali, isinasagawa na ang foundation works para sa corporate tower.
Samantala, umabot na sa 70 porsyento ang completion ng redevelopment ng Capitol grounds, ayon sa Provincial Engineering Office.
Kabilang dito ang pagsasaayos ng mga kalsada, drainage system, at iba pang pasilidad sa loob ng compound.
Kapag natapos ang mga proyekto, inaasahang makikita rin ang iba pang bagong facilities, monuments, at traffic lights sa unang bahagi ng 2027.

Bahagi ang mga ito ng strategic at priority programs ng Provincial Government of Pangasinan na popondohan sa ilalim ng ₱4.2578 bilyong omnibus term loan facility.
Ang naturang financing ay nakapaloob sa panukalang Provincial Ordinance No. 80-2026, na kasalukuyan pang nasa second reading.
Sa pagkumpleto ng mga proyekto, inaasahang madaragdagan ang government facilities ng lalawigan at magbabago ang kabuuang itsura at functionality ng Capitol Compound. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments