Thursday, September 24, 2026

TOP 2 MUNICIPAL MOST WANTED PERSON SA SAN QUINTIN, ARESTADO

Arestado ang isang 34-anyos na lalaki na kabilang sa Top 2 Municipal Most Wanted Persons ng San Quintin, Pangasinan sa bisa ng Electronic Warrant of Arrest noong Setyembre 21, 2026.

Isinagawa ang pag-aresto ng mga tauhan ng San Quintin Police Station laban sa residente ng bayan na nagtatrabaho bilang security guard.

Nahaharap siya sa dalawang bilang ng Incestuous Statutory Rape, na kapwa walang inirekomendang piyansa, at kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5(b) ng Republic Act No. 7610, na may inirekomendang piyansang ₱200,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Quintin Police Station ang naarestong indibidwal para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments