Arestado ang isang 40-anyos na lalaki na kabilang sa mga wanted person matapos dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act noong Hulyo 28, 2026.
Isinagawa ang pag-aresto sa Dagupan City ng mga tauhan ng City Mobile Force Company (CMFC), katuwang ang Police Station 2, Criminal Investigation Unit (CIU), at Criminal Investigation and Detection Management Unit ng Dagupan City Police Office (CIDMU-DCPO).
Ayon sa pulisya, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Violation of Section 10(A) in relation to Section 3(B) of RA 7610, na may kaukulang piyansa na P80,000.
Kinilala ang akusado bilang isang 40-anyos na residente ng Dagupan City. Matapos ang pag-aresto, dinala siya sa Dagupan City Custodial Facility para sa kaukulang proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







