Wednesday, July 29, 2026

31 ANTI-ILLEGAL DRUG OPERATIONS, NAITALA SA PANGASINAN; MAHIGIT P685K SHABU, NASAMSAM

Nasakote ang 36 na indibidwal at nasamsam ang mahigit 80.75 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na P685,276 sa 31 anti-illegal drug operations na isinagawa ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO).

Kasunod nito, naaresto ang 58 wanted persons, kabilang ang limang Most Wanted Persons (MWPs) at 53 Other Wanted Persons (OWPs), sa pinaigting na manhunt operations sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.

Sa kampanya kontra illegal gambling, nadakip ang 30 indibidwal sa siyam na operasyon, habang nakumpiska ang P17,604 na hinihinalang gambling bet money.

Sa hiwalay na kampanya laban sa loose firearms, isinuko ang 52 unlicensed firearms, naideposito ang 21 firearms, nakumpiska ang anim na firearms, at narekober ang isang abandoned firearm. Nagresulta rin ang pitong operasyon sa pagkakaaresto ng anim na violators.

Bukod dito, nagdeploy ang Pangasinan PPO ng 167 police personnel upang tiyakin ang seguridad sa anim na national at recurring events na ginanap sa lalawigan.

Bahagi ang mga operasyong ito ng nagpapatuloy na law enforcement campaign ng Pangasinan PPO laban sa illegal drugs, wanted persons, illegal gambling, at loose firearms. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments