Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC).
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ng kahalintulad na inisyatiba ang LUPPO. Noong Marso, nakalikom ito ng 65 blood bags sa isang blood donation activity kaugnay ng National Women’s Month. Noong Hulyo 2025 naman, nakapag-ambag din ang tanggapan ng humigit-kumulang 53 blood bags sa isa pang bloodletting program.
Ayon sa mga health worker, mahalaga ang regular na blood donation dahil may limitadong shelf life ang dugo at tuloy-tuloy ang pangangailangan nito sa mga ospital.
Dahil dito, hinihikayat ang mga kwalipikadong indibidwal na maging regular na blood donor upang makatulong sa pagtiyak na may sapat na suplay para sa mga pasyenteng nangangailangan.
Ang “Project Sagut a Biag” ay isinagawa kasabay ng pagdiriwang ng ika-31 Police Community Relations Month. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








