Friday, July 24, 2026

Pag-amyenda sa Juvenile Justice Law, hiniling ng isang senador sa pagbabalik-sesyon

Hinikayat ni Senator Chiz Escudero ang Kongreso na silipin ang Juvenile Justice Law matapos ang insidente ng sunod-sunod na karahasan sa mga paaralan lalo na ang Tacloban school shooting.

Sinabi ni Escudero na matagal na siyang mambabatas at lahat ng iba pang batas maliban sa batas ng Diyos ay maaaring baguhin.

Punto ng senador, kahit ang mga bumalangkas ng 1987 Constitution ay isinama ang mekanismo ng pag-amyenda at walang batas ang makakakita agad ng mga problema sa hinaharap.

Sinabi ni Escudero na hindi dapat ituring na pagkakamali ang pagrepaso sa batas kun’di dahil kinakailangan na ng pagkakataon na baguhin ito.

Partikular na sinusuportahan ni Escudero ang “full cycle review” ng juvenile justice system para tugunan ang implementasyon at pagpapalakas ng mga hakbang na poprotekta sa publiko habang itinataguyod ang mga prinsipyo ng juvenile justice.

Facebook Comments