Wednesday, July 29, 2026

DRUG SUSPECT, SUGATAN MATAPOS MAKIPAGBARILAN SA BUY-BUST OPERATION SA ILOCOS SUR; DALAWA, ARESTADO

Sugatan ang isang drug suspect matapos umanong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Tagudin, Ilocos Sur noong Hulyo 28.

Isinagawa ng Tagudin Municipal Police Station, katuwang ang 2nd Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company at 103rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 1, ang operasyon sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1.

Ayon sa pulisya, nauwi sa armed encounter ang operasyon nang mapansin umano ng isa sa mga suspek na pulis ang kanyang ka-transaksyon.

Bumunot umano ito ng baril at nagpaputok, dahilan mag-open fire ang isang pulis. Tinamaan ang suspek sa kaliwang binti at agad binigyang ng paunang lunas.

Naaresto sa operasyon ang dalawang residente ng Tagudin na kinilalang isang 31-anyos at 47-anyos na parehong magsasaka.

Nasamsam mula sa operasyon ang humigit-kumulang 1 gramo ng hinihinalang shabu na nasa dalawang heat-sealed transparent plastic sachet at may Standard Drug Price (SDP) na P6,800.

Narekober din ang buy-bust money at iba pang personal na gamit.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang iba pang detalye kaugnay ng insidente habang inihahanda ang mga kasong maaaring isampa laban sa mga naarestong suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments