
Isang bagong programa ng pamahalaan ang inilunsad sa Dagupan City kung saan maaaring makabili ang mga kwalipikadong residente ng bigas sa halagang ₱20 kada kilo.
Ayon sa anunsyo, bukas ito araw-araw sa City Plaza at magsisilbi sa iba’t ibang sektor ng komunidad hangga’t may suplay.
Kabilang sa mga maaaring makinabang ang senior citizens, solo parents, persons with disabilities (PWDs), mga indigent households kabilang ang 4Ps beneficiaries, magsasaka ng palay, mangingisda, jeepney drivers, at tricycle drivers.
Upang matiyak ang maayos at patas na distribusyon, kinakailangang magpakita ng kaukulang ID ang mga benepisyaryo.
Kabilang dito ang Senior Citizen ID mula sa OSCA, Solo Parent ID mula sa City Social Welfare and Development Office, PWD ID mula sa PDAO o DSWD, at iba pang sertipikasyon depende sa sektor.
Dagdag din ng opisyal na mahalaga ang sistematikong pamamahagi upang matiyak na ang tulong ay makarating sa mga tunay na nangangailangan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang iniaalok na bigas ay mula sa mga lumang stock na inilalapit sa publiko upang maiwasan ang pag-aaksaya at makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan at bahagi ito ng patuloy na hakbang ng pamahalaan upang masigurong may sapat at abot-kayang pagkain sa bawat hapag ng mga Dagupeño.
Pinaalalahanan naman ang publiko na ang programa ay “good only while supplies last,” kaya’t hinihikayat ang mga kwalipikadong residente na samantalahin ang oportunidad habang ito ay available. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










