Arestado ang isang 25 anyos na lalaki sa isinagawang operasyon ng Calasiao Police Station sa Poblacion West, Calasiao noong May 25, 2026.
Kinilala ng pulisya ang suspek na residente ng Barangay Quesban, Calasiao, Pangasinan.
Naaresto siya sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Family Court Branch 15 sa Dagupan City noong May 19, 2026 kaugnay ng kasong Statutory Rape.
Ayon sa korte, walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calasiao Police Station ang naarestong suspek para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










