Dalawang indibidwal na may kinahaharap na kaso ang naaresto ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa Bayambang at Balungao, Pangasinan.
Bandang alas-10:50 ng umaga, inaresto ng mga tauhan ng Bayambang Police Station ang isang 44 anyos na construction worker sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong paglabag sa Section 5(B) ng Republic Act 7610 o Child Sexual Abuse.
May inirekomendang piyansang ₱200,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Samantala, bandang alas-12:20 ng tanghali naman nang arestuhin ng Balungao Police Station ang isang 44 anyos na babae sa Barangay Rajal, Balungao.
Nahaharap ang suspek sa kasong Qualified Theft sa ilalim ng Revised Penal Code batay sa warrant of arrest na inilabas. Itinakda ang piyansa sa halagang ₱120,000.
Kapwa nasa kustodiya na ng kani-kanilang police station ang mga naarestong suspek para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










