
CAUAYAN CITY – Inilunsad ng mga paaralan sa Cauayan City ang pagsisimula ng Brigada Eskwela para sa school year 2026-2027 ngayong unang araw ng hunyo.
Sa panayam ng IFM Newsteam kay Ginoong John R. Mina, Principal ng Cauayan City Stand-Alone Senior High School, sinabi nitong inagahan nila ang pagbubukas ng Brigada Eskuwela dahil sa init ng panahon. Dagdag pa niya, dinaluhan ng mga mag-aaral, mga magulang at mga guro ang Official School Level Kick off ng Brigada.
Binigyang diin naman ni Ginoong Arthur Anog, Presidente ng Teachers Association sa Cauayan North Central School, ang kahalagahan ng pakiki-isa ng mga magulang at stakeholders sa nasabing programa para sa mga mga bata.
Samantala, nanawagan naman si Ginoong Mario Galiza, Assistant School Head ng Cauayan North Central School, sa mga nais mag-abot ng tulong pinansyal o manpower kaugnay ng nasabing programa para sa kapakanan ng mga estudyante.










