Batay sa inilabas na impormasyon ng Department of Health, mas mabilis mapanis ang pagkain kapag mataas ang temperatura dahil mas mabilis dumami ang bacteria, lalo na kung hindi maayos ang paghahanda at paghawak ng pagkain.
Dahil dito, ilan sa mga magulang ang mas pinipiling magluto lamang ng sapat para sa kanilang pamilya upang maiwasan ang pagsasayang ng pagkain na maaaring mapanis.
Samantala, mas naging maingat na rin ang ilang nagtitinda sa karinderya sa Dagupan City upang masigurong sariwa at ligtas kainin ang kanilang mga ibinebenta.
Ayon pa sa ilang karinderya, mahalaga rin ang kalinisan ng mga gamit at ang paggamit ng sariwang sangkap upang maiwasan ang kontaminasyon ng pagkain lalo ngayong mainit ang panahon.
Paalala naman sa publiko na tiyaking maayos ang paghahanda ng pagkain upang maiwasan ang mga sakit na maaaring makuha mula sa panis o kontaminadong pagkain. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








