Saturday, June 20, 2026

๐—›๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ โ‚ฑ๐Ÿญ.๐Ÿฌ๐Ÿฎ ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—›๐—”๐—•๐—จ, ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—ฆ๐—”๐—  ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—˜๐—”๐—ฅ๐—–๐—› ๐—ช๐—”๐—ฅ๐—ฅ๐—”๐—ก๐—ง ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—จ๐—š๐—จ๐—˜๐—š๐—”๐—ฅ๐—”๐—ข

CAUAYAN CITY- Mahigit 150 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na โ‚ฑ1.02 milyon ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang search warrant operation noong gabi ng ika-18 ng Hunyo sa Tuguegarao City.

Arestado sa naturang operasyon ang isang 37-anyos na babae na kinilalang si alyas โ€œJean,โ€ tricycle driver at residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, nakumpiska ang walong heat-sealed transparent plastic sachet at isang bukas na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. Narekober din ang dalawang set ng disassembled glass tube na may residue ng hinihinalang droga, isang tooter na may malinaw na likido na pinaniniwalaang shabu, at iba pang non-drug evidence kabilang ang mga bag, dalawang weighing scale, pouch, kahon ng cellular phone, plastic container, at coin purse.

Agad na isinagawa ng mga operatiba ang pagmamarka, imbentaryo, at pagkuha ng larawan ng mga nakumpiskang ebidensya sa mismong lugar ng operasyon sa harap ng suspek at mga mandatoryong saksi mula sa barangay at Department of Justice bilang pagsunod sa itinakdang legal na proseso.

Matapos ang operasyon, dinala ang suspek at lahat ng nakumpiskang ebidensya sa Tuguegarao Component City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon alinsunod sa umiiral na batas.

Facebook Comments