
Cauayan City – Idineklara ang March 30, 2026 bilang special non-working holiday sa lungsod ng Cauayan City kasabay ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng pagiging lungsod nito.
Ngayong taon, tampok ang ika-25 anibersaryo o silver anniversary na sumisimbolo sa 25 taon ng pag-unlad sa ekonomiya, pamamahala, at institusyon sa lungsod.
Batay sa Executive Order No. 28, Series of 2026 na nilagdaan ni Caesar S. Dy Jr., layunin ng deklarasyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga residente, mula sa pampubliko at pribadong sektor na makilahok sa mga aktibidad at seremonya para sa naturang okasyon.
Ipinagdiriwang taun-taon tuwing March 30 ang Cityhood Anniversary ng Cauayan bilang pagkilala sa ambag ng mamamayan, mga institusyon, at lider sa patuloy na pag-unlad ng lungsod.
Ang pagiging lungsod ng Cauayan ay naisakatuparan sa bisa ng Republic Act No. 9017 noong February 28, 2001 at pinagtibay noong March 30, 2001.










